Lunes, Enero 22, 2018


Ano ang role ng music sa buhay ng tao?

                May mga pagkakataon na maalala mo ang mga pangyayari dahil narinig mo ang isang kanta. Ito rin minsan ang mabisang paraan upang mare-ignite ang love and passion mo sa isang tao o di kaya’y sa bagay na iyong ginagawa dahil ito ang best solvent to dissolve pain. Narito ang iba pang role ng musika sa buhay ng isang tao.

1. Music has spiritual powers.
Ang pagkanta ay isang paraan upang ipakita ang pagpuri natin sa Panginoon. Kaya naman sa mga simbahan na ating pinupuntahan bukod sa Salita ng Diyos, musika ang nagbibigay buhay sa banal na pagtitipon.

2. Music can make you feel emotions.
Tuwing nakikinig ka ng kanta, iba iba ang mood na makukuha mo rito. Nariyan at magiging masaya ka, maiiyak, mapapasayaw o kaya’y malulungkot. May pagkakataon pa nga niyan na maalala mo ang isang pangyayari na matagal mo ng nakalimutan o di kaya’y mapapaisip ka ng mga pwedeng mangyari sa hinaharap.

3. Music can bring people together.
Ang nakaka-amaze sa lahat, music lover ka man o hindi, may musika na nakatanim na sa iyong pagkatao. Ang pagkanta kasama ang ibang tao ay isang blissful feeling na ikaw lang mismo ang makakaramdam. Katulad din ng iba na ini-interpret ang musika sa paraan ng pagsasayaw at sa mga taong nakikinig lang nito.

Ang Paborito Kong Pang-Palamig


          Isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino na paborito ko ay ang halo-halo dahil sa kakaiba nitong sarap.

         Kilala ang halo-halo bilang pampalamig na pagkain sapagkat kulang ito kung walang yelo. Halo-halo ang pangalan nito dahil napakaraming sangkap ang pinagsama-sama tulad ng saging, kamote, sago, gulaman, nata de coco, ube, leche flan at saka gatas, at napakarami pang iba. Maraming mga tindahan ang nagbebenta nito pero pinakapaborito ko ang Chowking na halo-halo. Napakasarap o napakalinamnam ng halo-halo ng dalawang restawrant na ito sapagkat espesyal ang paraan ng kanilang paggawa nito. Ang halo-halo ay malinamnam talaga bagamat 3 sangkap lamang pinagsama-sama tulad ng saging, kamote at leche flan. Ngunit dahil sa yelo nilang napakapino at punung-puno ng gatas, talagang walang kasing sarap ito. Subalit may kamahalan ang halo-halo nila kumpara sa ibang halo-halo. Ang halo-halo naman ng Chowking ay napakasarap din dahil sa 14 nitong sangkap. Mas pinasarap pa ito ng sorbetes na magdadagdag ng kakaibang kiliti sa iyong panlasa. Patok na patok ang halo-halo tuwing tag-araw dito sa Pilipinas sapagkat nagbibigay ito ng ginhawa sa mainit na panahon. Ito ay masarap din meryenda umaga man o gabi. Isa rin itong masarap na panghimagas pagkatapos ng tanghalian o hapunan.

           Hindi kumpleto ang pagkaing Pilipino kung walang halo-halo sa hapag-kainan. Tag-ulan man o tag-araw, siguradong tatangkilikin ito ng bawat Pilipino dahil sa naiiba nitong sarap.

Isang Buhay Estudyante



Pagpasok sa eskwela, naghahanap na nang makakasama,
Feeling close sa iba, Huwag lang mabagot at mag-isa.
Sa oras ng klase, minsan parang wala sa sarili.
Kaya kapag tinawag ng professor, lagot! sa recitation walang masagot.
Minsan maraming sakripisyo, mga magulang minsa'y istorbo,
Akala nila'y nagbubulakbol, di nila alam sa deadline ika'y naghahabol.
Sa paaralan din una tayong umibig kaya pag-aaral madalas iniisnab,
Pero ' pag nasaktan iiyak-iyak, ang sakit ng pusong nabiyak.
Sa paaralan, maraming matututunan. Sa paaralan, maraming mararanasan.
May simple, may elegante, at may disente, 'yan ang BUHAY ESTUDYANTE..






Ang Paborito Kong Pagkain



               Lahat tayo ay may sari-sariling paboritong pagkain. May mga taong gusto ng pritong itlog. May mga tao namang mahilig sa hotdog. Pero ako, ang paborito ko ay tocino.

               Naaalala ko noong bata pa ako , nagigising ako sa amoy ng masarap na Tocino. Ang buong bahay ay nababalot sa amoy nito. Dali-dali akong bababa pagtugo sa kapag-kainan at hindi pa nga nailalapag ni mama o kaya ni papa ang plato ng tocino ay nakakagat na ako sa dinukot kong tocino sa kusina .

               Kapag kami ay nagsasalu-salo sa hapag kainan, hindi nawawala ang tocino sa aming handa. Kadalasan nga ito ang unang nauubos. Sa palagay ko, ang tocino ay simbolo ng simple pero masarap na ito. Parang isang pamilya na hindi kailangan maraming kagamitan o pera para maging masaya. Kailangan lamang ang “tocino”, masaya na ang pamilya.