Lunes, Enero 22, 2018


Ang Paborito Kong Pang-Palamig


          Isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino na paborito ko ay ang halo-halo dahil sa kakaiba nitong sarap.

         Kilala ang halo-halo bilang pampalamig na pagkain sapagkat kulang ito kung walang yelo. Halo-halo ang pangalan nito dahil napakaraming sangkap ang pinagsama-sama tulad ng saging, kamote, sago, gulaman, nata de coco, ube, leche flan at saka gatas, at napakarami pang iba. Maraming mga tindahan ang nagbebenta nito pero pinakapaborito ko ang Chowking na halo-halo. Napakasarap o napakalinamnam ng halo-halo ng dalawang restawrant na ito sapagkat espesyal ang paraan ng kanilang paggawa nito. Ang halo-halo ay malinamnam talaga bagamat 3 sangkap lamang pinagsama-sama tulad ng saging, kamote at leche flan. Ngunit dahil sa yelo nilang napakapino at punung-puno ng gatas, talagang walang kasing sarap ito. Subalit may kamahalan ang halo-halo nila kumpara sa ibang halo-halo. Ang halo-halo naman ng Chowking ay napakasarap din dahil sa 14 nitong sangkap. Mas pinasarap pa ito ng sorbetes na magdadagdag ng kakaibang kiliti sa iyong panlasa. Patok na patok ang halo-halo tuwing tag-araw dito sa Pilipinas sapagkat nagbibigay ito ng ginhawa sa mainit na panahon. Ito ay masarap din meryenda umaga man o gabi. Isa rin itong masarap na panghimagas pagkatapos ng tanghalian o hapunan.

           Hindi kumpleto ang pagkaing Pilipino kung walang halo-halo sa hapag-kainan. Tag-ulan man o tag-araw, siguradong tatangkilikin ito ng bawat Pilipino dahil sa naiiba nitong sarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento